BRIGADA ESKWELA UMPISA NA, PNP AT MIYEMBRO NG ARMY NAKIISA - Baler, Aurora

Nakiisa ang PNP at miyebro ng Phil. Army sa unang araw ng arangkada ng “Brigada Eskwela” sa lahat ng Pampublikong paaralan sa Lalawigan ng Aurora para sa pagbubukas ng klase ngayong panuruang taon 2013-2014.

Sa kahilingan ni School Principal II Purisima S. Lumasac ng Suklayin Elementary School na makatuwang ang buong puwersa ng PNP Provincial Head Quarter, at sa tugon ni Provincial Director PSSUPT Elmer C. Bantog, Mahigit 50 kapulisan ang pinadala nito upang makatulong sa pagkukumpuni ng mga silid aralan ng Suklayin Elementary School sa Bayan ng Baler, Aurora.

Nag-umpisa ito dakong alas-siyente ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.
Kasama ang mga magulang, mag-aaral at guro sama-sama ang mga ito sa paggagamas, pag-aayos ng mga silid, pagpipintura ng mga pader at iba pang kaugnay na gawain.

Ito ay matapos ang paghimok ni Education Secretary Armin A. Luistro sa lahat para makiisa sa Brigada Eskuwela simula kahapon Lunes hanggang sa Biyernes (Mayo 20-25).

Nais ni Luistro na hindi lamang functional kundi attractive at conducive din ang pag-aaral ng mga bata.

Taun-taong isinasagawa ang Brigada Eskuwela, na nagsasama-sama ang mga guro, magulang, estudyante at lider ng komunidad sa paglilinis, pagkukumpuni at pagpipintura sa mga silid-aralan bilang paghahanda sa pasukan.

Comments