CAFGU NAKAPATAY NG CIVILIAN, NILIPAT NA SA PIITAN NG AURORA
Nilipat
na sa Panlalawigang Piitan ang isang miyembro ng CAFGU matapos nitong
mapatay ang isang lalaki na napagkamalang miyembro ng makakaliwang grupo
sa Maria Aurora, Aurora .
Kinilala ang suspek na si Melody
Fonbuena, 20 taong gulang, residente ng Barangay Wenceslao, Maria
Aurora, Aurora, miyembro ng Civilian Arm Forces Geographical Unit o
CAFGU ng 48 Infantry Battalion na nakatalaga sa Barangay Galintuja ,
Maria Aurora.
Kinilala naman ang biktima na si Amor Rodrequez,
39 taong gulang, Heavy Equipment mechanic sa Leadway Construction
Company na nakabase sa Canili area, Maria Aurora.
Base sa
paunang imbestigasyon ng Maria Aurora PNP, dakong 12:30 ng tanghali
noong Sabado (May 18) gamit ang isang carbine rifle, nabaril ng suspek
ang biktima sa Barangay Diyayo, Maria Aurora, Aurora.
Napag-alam sa report ng kasama ng suspek na may dalawang kalalakihan na
may hawak na fire arms kung kayat naalarma ang mga ito, agad na
inireport sa kanilang team leader, at agad namang romesponde ang grupo.
Ayon kay Fonbuena, nakatakip umano ng damit ang mukha ng biktima, at
may daladalang mga screwdriver habang mabilis na patungo sa kinaroroonan
niya, kaya niya ito pinutukan.
Nagtamo ng malalim na tama ng bala sa dibdib ang biktima na siyang kinamatay nito.
Agad na isinugod ang biktima sa RHU Alfonso Castañeda sulabalit ito ay
deniklarang Dead on Arrival dahil sa matinding pinsalang natamo nito sa
dibdib.
Ang suspek ay nakakulong na sa Panlalawigang Piitan ng
Aurora sa Barangay, Suklayin, Baler, Aurora at nahaharap ito sa kasong
Homicide.
Ang baril ng suspek ay nasa pangangalaga na ng Maria Aurora PNP habang iniimbistigahan pa ang pangyayari.
Comments
Post a Comment