DAUPANG PALAD NG MGA SEKTOR AT TAONG SIMBAHAN - Dilasag, Aurora
“Pagtatalaga
ng Sarili para sa Sambayanan ng mga Dukha, Pagsasabuhay ng
Pananampalataya” ito ang paksa ngayong taon sa kasalukuyang ginaganap na
taunang “Daupang Palad ng mga Sektor at Taong Simbahan o DPSTS.
Nagsimula ang DPSTS kahapon at magtatapos bukas ika-23 ng Mayo 2013 sa
Parokya ni San Jose Manggagawa sa Bayan ng Dilasag, Aurora.
Ang
tatlong araw na DPSTS ay dinaluhan ng mahigit 70 kinatawan mula sa
iba’t ibang Samahan, NGOs, PO’s, Sektor at Taong Simbahan na nagmula
naman sa walong bayan ng Lalawigan ng Aurora.
Nauna dito,
nagsagawa ng isang lakbay aral sa mga proyekto na umanoy may isyu sa
lalawigan ng Aurora. Unang pinuntahan ng grupo ang Rice Processing
Complex (RPC) sa Barangay Reserva, Baler, Aurora; Fish Fond isang
proyekto ng Department of Agriculture National sa Barangay Lobbot,
Dipaculao, Aurora na sa ngayon ay sira na; Barangay Site ng Dianed,
Dipaculao, Aurora na donation umano ito mula sa pamilyang Angara na
ngayon ay binabawi para gamitin sa Turismo;
CLOA ng mga
residente na binabawi ng DAR dahil sa di umano ay di produktibo at di
bayad sa amortisasyon na pinasinungalingan naman ng mga residente na
hindi totoo; ang 40 ektarya sa Barangay Dinadiawan, Dipaculao, Aurora na
dating pag-aari ng C&M isang saw mill company ay kukunin din umano
sa mga nakaukupa dito para gawing Gasoline station, Bus Terminal, at
Restaurant; Biomass sa Barangay Dibaraybay, Dinalungan, Aurora na hindi
umano gumagana; at sa Aurora Pacific Economic Zone and Freeport
Authority sa Casiguran, Aurora. Ilan lamang ito sa mga isyung
tatalakayin sa kasalukuyang ginaganap na DPSTS sa Bayan ng Dilasag,
Aurora.
Comments
Post a Comment