ILLEGAL LOGGING WALA PARING TIGIL - Dipaculao, Aurora

Nagpapatuloy parin ang pagpupuslit ng mga kahoy sa Bayan ng Dipaculao Aurora sa kabila ng umiiral ang Executive Order no. 23 o total log ban.

Ang mga pasaway na nagpapalusot ng kahoy ay halos araw arwa nagpupuslit, gabi umano nilalabas ang kahoy sakay ng mga kolon-kolong at idinadala sa mga furniture shop sa nasabing Bayan, ayon sa isang pinagkakatiwalaang source.

Batay sa impormasyong, ilang mataas na opisyal umano sa nasabing bayan ang pinagmamalaki ng mga illegal na nagpapaslit ng kahoy.

Kaugnay nito nananawagan ang mga concern citizen sa ahensyang nakakasakop sa ganitong suliranin.

Maaari magdulot ito ng matinding pagbaha at pinsala sa kalikasan kung hindi mapipigilan ang patuloy na pagpuputol ng mga punong kahoy.

Comments