Kakulangan
sa supply ng tubig na gamit sa bahay at inumin ang matagal nang nararanasan ng
mga residente sa Barangay Dinadiawan, Dipaculao, Aurora.
Halos labing
limang taun na umano ang ganitong suliranin na kinakaharap ng mahigit 30
porsiyento ng residente sa naturang Barangay.
Ayon sa
isang residente, limang oras lamang nagkakaroon ng supply ng tubig sa umaga at anim na oras naman sa bandang gabi,
hindi umano ito sapat sa kanilang pangangailangan sa tubig sa araw-araw.
Ang supply
ay nanggagaling sa DIBAWASA o yong tinatawag nilang dam.
Hindi pa umano
malinaw kung anong aksyon ang ginawa ng mga opisyal ng nasabing Barangay.
Comments
Post a Comment