LALAKI BIKTIMA NG RIDER-IN-TANDEM LIGTAS NA - Maria Aurora
Matagumpay
na natanggal ng mga manggagamot ang balang bumaon sa katawang ng
biktima ng rider-in-tandem sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora nitong
Martes ng hapon.
Matatandaang pinagbabaril ng hindi nakilalang
mga salarin si Reymar Leander, residente ng Barangay 01, ng naturang
bayan gamit ang revolver 38.
Ligtas naman at naging matagumpay ang isinagawang operasyon sa pagtanggal ng bala sa kanang bahagi ng palikat ng biktima.
Sa kabila nito patuloy parin ang isinasagawang impistigasyon ng Maria
Aurora PNP para makilala ang salarin at malaman ang motibo ng pamamaril
at tangkang pagpatay sa biktima.
Comments
Post a Comment