Sugatan ang isang lalaki matapos itong
aksidenteng maputukan ng de sabog dakong alas-onse ng gabi noong Linggo sa
Bayan ng Dilasag, Aurora.
Ang biktima ay kinilalang si Jomar
Vicente, 21 taong gulang, at residente ng Barangay Diagian, Dilasag, Aurora.
Nagtamo ang biktia ng malalim na sugat
sa kanyang kanang hita, kili-kili at kanang bahagi ng mukha.
Ayon sa magulang ng biktima na si
Ginang Jovita Vicente, matapos umanong mag-inuman ang biktima at ng bayaw
nitong si Ambong Jacob, pinaglaruan umano ng dalawa ang de sabog na pag-aari ni
Jacob, at aksidente itong pumutok.
Agad namang naidala sa Casiguran
District Hospital ang biktima, subalit sanhi ng malalim na sugat sa hita, ay
inilipat ito sa Aurora Memorial Hospital sa Barangay Reserba, Baler, Aurora
upag higit na mabigyan ng karampatang lunas.
Comments
Post a Comment