MATAGUMPAY ANG ISINAGAWANG FTS NG PCOS SA BAYAN NG SAN LUIS
Matagumpay
at halos perpekto na naisagawa nitong lunes ang Final Testing and
Sealing ng 7 Precinct Count Optical Scan o PCOS machine sa 3 designated
precinct sa Bayan ng San Luis, Aurora.
Ang Final Testing and
Sealing ay pangunguna ng Board of Election Inspector, Poll Clerk, Parish
Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at mga kinatawan ng
bawat partido.
Sa isinagawang testing sa nasabing Bayan,
matapos ishade ng mga partisipante ay isa isang ipinasok sa makina ng
BEI ang mga hawak nilang mga identification security key gayundin ang
hawak na pin code ng poll clerk at BEI member na higit may 10 balota at
may habang halos 2 piye na ginamit sa bawat PCOS machine, kung saan
bawat tinatanggap ng balota ay rumerehistro sa LCD na may mga katagang
“CONGRATULATIONS”.
Matapos ang Final Testing sa nasabing
makina, sinilyuhan iton at isinara, muli lamang itong bubuksan sa araw
ng mismong halalan sa darating na Mayo 13.
At para sa
kasiguraduhan ng mga makina nagtalaga naman si PSI Dexter Thomson OIC ng
San Luis PNP ng mga tauhan nito na magbabantay sa mga eskwelahan na
kinaroroonan ng mga nasabing makina upang makasiguro na hindi ito
magagalaw ng kahit sino, hanggang sa takdang araw ng halalan.
Comments
Post a Comment