MENSAHE MULA KAY BAGONG HALAL NA GOBERNADOR NG LALAWIGAN NG AURORA, GERARDO "JERRY" NOVERAS.
Ipanapaabot
ko po sa lahat ang aking taos pusong pasasalamat sa lahat ng nagtiwala
at nagbigay ng suporta sa akin sa nakalipas na halalan. Wala pong
sasapat na salita upang maipaabot ko ang aking pasasalamat sa inyo
subalit susuklian ko po ito ng isang malinis at makatotohanang
paglilingkod.
Sa mga bumatikos sa akin lalo ang mga personal na
pagbatikos na komo ako ay mahirap lamang ako ay magpapayaman pag
nakapwesto, hinahamon ko po kayo na patunayan ninyo ang inyong mga
paratang kung malinis ang inyong hangaring mabigyan ng tamang
impormasyon ang ating mga kababayan at hindi upang siraan lamang ako.
Nais kong ipaabot sa inyo na nasaktan ninyo ang aking damdamin, damdamin
ng aking asawa, mga anak at ng aking buong pamilya.
Nais ko
ring ipaabot kay Mayor Angara ang aking pasasalamat na sa kabila ng mga
intriga ay nanatili ang kanyang pagiging mahinahon, ito ang isang
katangian ng isang tunay na lider.
Higit sa lahat ako po ay
nagpapasalamat sa ating Panginoon sa kanyang pag-iingat sa akin, sa
aking pamilya at sa aking mga kasamahan sa panahon ng kampanya at sa
kanyang pagbibigay ng pagkakataon sa akin upang kayo ay pagkingkuran.
Comments
Post a Comment