MGA GURO MULING NAGSANAY - Baler, Aurora
Nagsagawa
kahapo (May 20) ng isang malawakang pag-sasanay ang kagawaran ng
Edukasyon, Dibisyon ng Aurora para sa lahat ng guro sa ikalawang baitang
sa Elementarya sa buong Lalawigan.
Kaugnay ito ng implementasyon ng K-12 program ng Department of Education.
Ang pagsasanay ay may temang “Division Mass Training of Grade II
Teacher’s on the Implementation of the K-12 Basic Education Curriculum”
ang naturang training ay ginanap sa Baler Central School Covered Court.
Ang pagsasanay sa mga guro ay isinakatuparan ng DepEd Division Office
of Aurora. Pinangunahan ito ng In-Charge na si Mrs. Nonita Ocampo,
kasama sina Mrs. Casilda Buhasa, at Mrs. Yolanda Garcia, ito’y sa
pamamagitan naman ng pamamatnugot ng School Division Superintendent na
si Mrs. Teresa D. Mababa.
Layunin ng naturang pagsasanay na
maihanda ang mga leksyon at disiplina na dapat maibigay sa mga mag-aaral
sa grade II, na siyang pinag-uumpisahan ng K-12 implementation noong
nakaraang taon.
Kalakip sa isinagawang training ay upang
masangkapan din ang mga guro ng mataas na kasanayan, upang makamit ang
Layunin ng K-12 program ng pamahalaan na mahubog ang mga mag-aaral na
maging produktibo at globally competitive.
Comments
Post a Comment