MOTORCADE PARA SA MALINIS NA HALALAN - Dingalan, Aurora

Magsasagawa ng Motorcade ang pamunuan ng Parish Pastoral for Responsible Voting (PPCRV) at mga  NGO’s, Senior Citizen, mga Kabataan, Religious group at maging ang mga Concern citizens, kasabay ng puspusang pangangampanya ng mga tumatakbong kandidato sa Bayan ng Dingalan, Aurora. 

Layunin nitong ipahayag ang pagkakaroon ng isang makatarungan, mapayapa, at patas na halalan sa pambansa at maging sa local na antas.

Nais din nitong maipakita sa sambayanan ang hangaring pagbabago at pag-unlad ng buong lalawigan para sa malinis na halalan ngayong darating na midterm election sa Lunes, Mayo 13, 2013.

Comments