NAGKAABERYA ANG 2 PCOS MACHINE SA ISINAGAWANG FTS - Baler, Aurora
Nagkaaberya
ang dalawang Precinct Count Optical Scan o PICOS machine sa Final
Testing and Sealing kahapon sa Bayan ng Baler, Aurora.
Sa
isinagawang Final Testing sa Bayan ng Baler kahapon (May 6) ang dalawang
makina na nakatalaga sa presinto sa Diego Ortiz Elementary School ang
nagkaroon ng aberya. Isa dito ang tuluyan nang hindi gumana.
Tiniyak naman ng PICOS technician na maaayos ang dalawang makina bago sumapit ang halalan.
Sa kabuuan nito naging matagumpay naman ang Final Testing and Sealing
sa ibang pang PICOS machine na na gagamitin sa Bayan ng Baler sa midterm
election sa May 13 na pinangunahan ng Board of Election Inspector at
PICOS Technicians kasama ang Parish Pastoral Council for Responsible
Voting (PPCRV-Namfrel), PNP, at mga watchers ng bawat partido.
32 PECOS machine ang gagamitin sa 32 Clustered Precincts, at 11 Voting
Centers na may kabuuang bilang ng botante na 21,474 sa Bayan ng Baler.
8 PICOS machine ang gagamitin sa Baler Central School, 4 sa Suklayin
Elementary School, 4 sa A.V Mijares Elementary School, 1 sa Setan
Elementary School, 2 sa Calabuanan Elementary School, 3 sa Reserva
Elementary School, 3 sa Ruperto Zubia Elementary School, 1 sa Obligacion
Elementary School, 4 sa Diego Ortiz Elementary School, 1 sa C.T
Valenzuela Elementary School, at 1 sa M.L Sindac Elementary School.
Samantala, nauna nang sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, na
inaasahan ang mga aberya sa Final Testing and Sealing ng mga PCOS
machines.
Sinabi pa niya na mas mag-aalala sila kung perpekto ang FTS.
Comments
Post a Comment