NAGKAABERYANG PCOS MACHINA HINDI TIYAK KONG MAAAYOS PA AYON SA COMELEC BALER
Nagkaaberyang Precinct Count Optical Scan o PCOS machine sa isang presinto sa Bayan ng Baler, Aurora hindi parin gumagana.
Matatandaang isinagawa ang Final Testing and Sealing sa Bayan ng Baler
nitong Lunes, dalawang makina na nakatalaga sa presinto sa Diego Ortiz
Elementary School ang nagkaroon ng aberya, at isa dito ay tuluyan nang
hindi gumana.
Ayon kay Baler Comelec Acting Election Officer
Michael Pineda hindi pa nila sigurado kung maaayos at mapapagana ang
isang PCOS machine na gagamitin sa darating na midterm election sa Mayo
13.
Sinabi ni Pineda na naireport at sumulat na sila sa National Support Center para remedyuhan ang kakulangan sa makina.
Paliwanag pa ni Pineda na walang dapat ikabahala ang publiko sakaling hindi mapalitan ang nagkaaberyang PCOS.
Mayroon naman aniyang contingency plan ang comelec na maaaring gawin sa
panahon ng halalan. Maaari umanong isagawa ang manual voting sa
presinto na may aberya ang makina, maaari din umanong gamitin ang PCOS
machine ng kabilang presinto o dikaya ay dadalahin ng Board of Election
Inspector (BEI) sa Munisipyo ang mga balota at ballot box at doon
isasagawa ang pagbibilang sa makina.
Comments
Post a Comment