NAGPANGAP NA MIYEMBRO NG NPA ARESTADO - Dipaculao, Aurora

Arestado ang isang lalaki matapos itong magpanggap na biyembro ng New People Army (NPA) at sapilitang humingi ng pera halagang PHp 2,00.00 sa isang negosyante bilang revolutionary tax sa Bayan ng Dipaclao, Aurora nitong Linggo.

Sa paunag imbestigasyon ng Dipaculao PNP sa pangunguna ni PI. Michael Amio, dakong alas 10:30 ng umaga noong  Mayo 26, 2013 nakatanggap sila ng isang text message mula sa isang negosyante.

Agad namang tinungo at kinumperma ng otoridad ang nasabing text massage na kanilang natanggap mula sa biktima na si Marivic S. Nudalo at agad na minanmanan ng PNP ang suspek.

Dakong alas 3:50 ng hapon noon ding araw, sa pakikipag-ugnayan sa PNP Maria Aurora, Aurora at sa ilang miyembro ng 48IB nagsagawa sila ng opirasyon para tugisin ang suspek.
Dakong alas 3:55 ng hapon namataan ng grupo ang suspek at naaktuhang nagwi- withdraw o nangunguha ng pera halagang PHp1,960.00 sa Aurora Reloading Station Branch 1, sa Barangay 04, Maria, Aurora, Aurora. 

Agad na dinakip ng grupo ang suspek na kinilala na si Ricky Nipa y Javier, 28 tong gulang, walang trabaho, residente ng Barangay Didaddungan, Palanan, Isabela.

Agad na idinala ang suspek sa Community Hospital sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora para suriin. 

Si Nipa ay sinampahan ng kasong Robbery Extortion na may NPS Docket No. IV-01-INQ13E-055 at ngayon ay nakakulong na sa Panlalawigang Piitan ng Aurora sa Barangay Suklayin, Baler, Aurora. (Arnel M. Turzar/George Balero)

Comments