NAGPATUPAD NA NG TAAS PRESYO SA PRODUKTONG PETROLYO -Baler, Aurora

Nagpatupad narin ng taas-presyo sa produktong petrolyo ang ilang mga pangunahing bilihan ng petrolyo sa Aurora. Sumunod ito matapos magpatupad ng pagtaas sa pambansang pamilihan nitong nakalipas na Martes.

Nauna nang itinaas ng P.63 sentimos kada litro ang presyo ng Diesel, at P.51 sentimos naman sa Kerosene.

Ang dating 47.55 pesos kada litro ng Diesel, tuaas ito sa 48.15 pesos kada litro sa Shell, Caltex, Sea Oil at Petron, 48.14 pesos sa Eco-Petrol, habang nananatili parin sa 47.50 pesos sa Norfil gasoline station.

Ang Regular gasoline, 52.23 pesos kada litro sa Sea Oil at Norfil, 53.22 pesos naman sa Eco-Petrol.

Sa presyo ng Unleaded gasoline, 54.20 pesos kada litro sa Petrol, 53.78 pesos sa Shell at Caltex, 53.10 pesos sa Norfil, 52.77 pesos sa Eco-Petrol, at 52.74 pesos sa Sea Oil.

Ang Premium gasoline naman, 55.50 pesos kada litro sa Shell, Caltex, Sea Oil at Petron, 54.53 pesos sa Eco-Petrol, at 54.50 pesos naman sa Norfil.

Habang ang presyo ng Kerosene ay 50.63 pesos kada litro sa Shell, 49.63 pesos sa Eco-Petrol, at 49.33 pesos sa Sea Oil gasoline station.

Mayo 14 nagpatupad ng huling pagtaas ang ilang pambansang pamilihan ng produktong petrolyo, dito sa Aurora asahang magpapatupad pa ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa mga susunod na Linggo.

Comments