NAPAGKAMALANG KOMONISTA PATAY SA MARIA AURORA, AURORA

Patay ang isang lalaki matapos itong mapagkamalang komonista sa Maria Aurora, Aurora.

Kinilala ang biktima na si Amor Rodrequez, 39 taong gulang, michanico sa Leadway Construction Company.

Base sa paunang imbestigasyon ng Maria Aurora PNP, dakong 12:30 ng hapon nitong Sabado (May 18) gamit ang carbine rifle, binaril ang biktima ng suspek na si Melody Fonbuena, 20 taong gulang, miyembro ng Civilian Arm Forces Geographical Unit o CAFGU ng 48 Infantry Battalion. Nangyari ang pamamaril sa Barangay Diyayo, Maria Aurora, Aurora.

Ayon kay Fonbuena nakatakip umano ng damit ang mukha ng biktima, at may daladalang mga screwdriver habang mabilis na patungo sa kinaroroonan Fonbuena, kaya niya ito punutukan.

Tinamaan ng bala sa dibdib ang biktima na siyang kinamatay nito
Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima sulabalit Dead on Arrival ito dahil sa matinding pinsalang natamo.

Ang suspek naman at ang baril nito ay sinuko sa Maria Aurora PNP habang iniimbistigahan pa ang pangyayari.

Comments