P0.50 DAGDAG PRESYO SA DIESEL, P0.35 SA UNLEADED GASOLINE - Baler, Aurora

Sumunod narin  magpatupad ng P0.50 sa kada litro ng Diesel at P0.35 sa Unleaded gasoline ang ilang istasyon ng gasolinahan sa Aurora matapos magpatupad ng dagdag presyo ang ilang pambansang kompanya ng prodoktong petrolyo nitong nkaraang Huwebes (Mayo 23).

Naglalaro ang presyo ng Diesel sa P48.00 kada litro sa Norfil, P48.15 sa Sea Oil, Petron at EcoPetron, habang P48.40 sa Shell at Caltex.

Ang presyo ng Unleaded gasoline ay naglalaro ng P52.77 kada litro sa Eco-Petrn, P52.78 sa Sea Oil, P53.13 sa Caltex, P53.53 sa Norfil, at P54.13 naman sa Shell.

Nananatili naman ang presyo ng Regular gasoline sa P53.23 kada litro sa Sea Oil, Norfil at EcoPetrol.

Ang Premium gasoline naman ay naglalaro parin sa P54.53 kada litro sa EcoPetrol at Sea Oil, P54.99 sa Norfil, P55.50 sa Shell at Caltex, at P55.85 naman sa Petron.

Sa Kerosene, P49.63 kada litro sa Sea Oil at EcoPetrol, at P50.63 naman sa Shell. (Arnel M. Turzar)

Comments