P15,000 CASH, LAPTOP AT CELL PHONE NATANGAY NG MGA KAWATAN - Baler, Aurora
Nilooban
at pinagnakawan ng mahigit P15,000 cash ang Danny’s Grill (ihaw-ihaw)
sa Quezon High-way, Barangay Suklayin, Baler, Aurora nitong nakaraang
Linggo.
Natangay ng mga minor de edad sa naturang
istablisiyemnto ang dalawang unit ng cell phone, isang unit ng laptop,
isang unit ng digital Camera at cash na mahigit P15,000.
Ayon
sa imbestigasyon ng Baler PNP, dakong ala-una ng madaling araw umataki
ang dalawang kabataang suspek, na nasa labing lima hanggang labing
pitong taong gulang.
Agad namang nadakip ng mga otoridad ang
dalawang suspek at agad din itong inilipat sa pangangalaga ng Department
of Social Welfare and Development Office (DSWD).
Comments
Post a Comment