Nagkaisa
ang mga organisadong sektor, institusyon at mga taong-Simbahan sa lalawigan ng
Aurora, kasama ang tagapamahala ng Prelatura ng Infanta Rev. Fr. Mario
Establecida, nagkatipon mula noong ika-21 hanggang 23 ng Mayo 2013 sa parokya
ni San Jose Manggagawa, Dilasag, Aurora para sa taung pagtatagpo ng Daupang
Palad ng Taong mga Sektor at Taong Simbahan o DPSTS.
Ayon sa
grupo ang Pilipinas ay tinaguriang “Rising Tiger of the East Asia”, kapansin
pasin ang nananatiling malawakang kawalan ng hanap-buhay, paglaki ng bilang ng
OFWs, at patuloy na pagdami ng mahihirap (70%).
Ayon pa sa
grupo talamak ang korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan, ang pagtataguyod
ng kultura ng kamatayan at kawalang delekadesa, kakulangan at pagtanggi ng nasa
kapangyarihan na isagawa ang katarungan panlipunan.
Ang
ekonomiya ay pinadausdos ng tatlong dekada ng globalisasyon sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng patakarang deregulasyon, libiralisasyon at pribatisisyon.
Ang
lalawigan ng Aurora ay hindi hiwalay sa nangyayari sa pambansang kalagayan. Nananatli
ang dinastiya sa pulitikal na control ang ekonomiya at kultura. Talamak ang
bilihan ng boto sa anyo ng pagkuha ng maramihang coordinator at pag-aalok ng
pansamantalang trabaho o “job order”. Ang mga programang kabilang sa Aurora
Development Aggression Projects katulad ng Food Basket, APECO, Military
Reservation, Eco-Tourism, paghahati ng Bayan ng Maria Aurora at iba pa ay di
tutugon sa pangangailangan ng nakararaming mamamayan gayun din sa mga katutubo.
Nagdudulot ito ng ligalig, kawalang kasiguruhan sa panirahan at kabuhayan at
pagkasira ng kalikasan dahil sa quarrying at pagmimina.
Ilan
lamang ito sa pinahayag pagkakaisa at Paninindigan ng DPSTS na nilagdaang ng
mahigit 70 kinatawan mula sa iba’t ibang sektor, samahan, institusyon at
Simbahan sa buong lalawigan ng Aurora. (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment