PCOS MACHINE DUMATING NA SA AURORA

Dumating na sa lalawigan ng Aurora ang 124 Precinct Optical Count Scan (PCOS) machine na gagamitin sa walong bayan ng Aurora sa midterm election sa Mayo 13.
Pasado alas otso ng umaga nitong Sabado (Mayo 4) dumating ang mga PCOS machine dala ng Air 21, ibinaba ito sa Kapitolyo.

Noong ding araw ng Sabado idinala na ang mga PCOS machine sa 8 Bayan ng Aurora at agad din itong idinala sa mga Presinto na pagdadausan ng halalan sa pangunguna ng Air 21 kasama ang Comelec, PPCRV, PNP, AFP at BEI para masiguro ang siguridad ng mga naturang makina.

Comments