PNP NAALARMA SA BAYAN NG SAN LUIS, AURORA

Naalarma ang mga otoridad sa Bayan ng San Luis Aurora dahil sa unang pagkakataon na snatching incident ang naitala sa kanilang himpilan kahapon pasado alas-onse ng umaga sa Barangay Zarah, San Luis, Aurora.

Ang biktima ay kinilalang si May-ann Toneth Gozago, kasalukuyang naninirahan sa Barangay 04, San Luis, Aurora.

Galing umano ang biktima sa Bayan ng Baler, Aurora sakay ng isang pampasaherong Tricycle, nang bigla umanong dumikit sa kanilang sinasakyan ang dalawang lalaki sakay ng Bajaj motorsiklo, kulay pula, walang plaka, nang bila nalamang umano hinablot ang kanyang pitaka.

Mabilis na tumakas papalayo ang mga suspek patungo sa di malamang dereksyon tangay ang pitaka na naglalaman ng dalawang libong piso at mahahalagang dokumento at ID.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang San Luis PNP, subalit ayon kay PO1 Sonny Montes, hindi na nila nagawang masakote pa ang mga suspek dahil halos isang oras na ang lumipas bago nagreport sa kanilang himpilan ang biktima.

Payo ng mga otoridad, na sakanilang maulit ang ganitong insidente ay ireport agad sa kanila para sa mabilisang aksyon.

Payo pa ng PNP, palaging mag-ingat ang publiko, mapagmasid at iwasang magsuot o magdala ng mga gamit na mainit sa mata ng mga mandurukot.

Comments