PPCRV BALER HANDA NA SA HALALAN
Handang
handa na ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting bilang
Comelec Arm sa darating na midterm election sa Lunes Mayo 13 sa Aurora.
Ito ay matapos italaga kahapon sa kanikanilang mga Polling Center at
presinto ang 128 PPCRV Volunteers sa Bayan ng Baler para magbantay sa
buong proseso ng halalan simula sa umpiso hanggang sa matapos ang
botohan.
Nahahati sa apat ang
gawain ng PPCRV Volunteers, mayroon itong Roving team sa lahat ng
polling center, Pollwatcher sa loob ng presinto, Observer sa labas ng
presinto, at Information Assistant Desk para sa mga botante na
mahihirapan maghanap sa listahan ng kanilang pangalan at cluster
precinct.
Makakatulong ng PPCRV volunteers ang Justice and
Peace Action Group of Aurora (JPAG) para sa usaping legal sakaling
magkaroong ng hindi kanais nais na pangyayara sa panahon ng halalan.
Maliban sa mga boboto taging ang Board of Election Inspector, PCOS
technician, 2 Pollwatchers ng PPCRV at, 2 watcher ng dalawang partedo
ang pinapayagang pumasok sa loob ng presinto sa panahon ng halalan.
Comments
Post a Comment