PRESYO NG GULAY BAHAGYANG TUMAAS - Baler, Aurora

Tumaas ng bahagya ang presyo ng gulay sa Pampublikong Pamilihan sa Bayan ng Baler, Aurora.

Pumalo na sa P30.00 hanggang P70.00 ang presyo ng gulay Baguio katulad ng repolyo, patatas, sayote, carrots, beans at petsay baguio.

Naglalaro naman sa P70.00 hanggang P80.00 ang kada kilo ng sibuyas at bawang, habang P20.00 naman ang kada kilo ng luya.

Tumaas naman ng hanggang P65.00 ang kilo ng Malagkit, habang P27.00 hanggang P37.00 ang kilo ng bigas.

Ang presyo ng isdang dagat ay naglalaro sa P70.00 hanggang P180.00 depende sa klase, samantala ang bangos ay P150.00, ang tilapia P110.00.

Sa karneng baka naglalaro sa P130.00 hanggang 190, ang karneng baboy ay naglalaro naman sa P150.00 hanggang P190.00, at ang karneng manok ay nasa P140.00 hanggang P150.00 ang kada kilo.

Asahang tataas pa ang presyo ng gulay pagsumapit na ang tag-ulan. (Arnel M. Turzar)

Comments