PRESYO NG MGA PANGUNAHING BILIHIN SA PAMPUBLIKONG PAMILIHAN - Baler, Aurora

Naglalaro parin sa 27 hanggang 37 pesos kada kilo ang presyo ng Bigas habang 40 pesos naman ang Malagkit sa Pambublikong Pamilihan ng Bayang ng Baler, Aurora.

Naglalaro naman sa 110 hanggang 140 pesos kada kilo ang presyo ng Bangos, 100 hanggang 140 pesos ang Tilapia, at 100 hanggang 170 pesos ang kada kilo ng Isdang dagat kumporme sa klase.

130 hanggang 190 pesos kada kilo ang karane ng Baka, 150 hanggang 190 pesos ang karne ng Baboy, at 130 hanggang 160 pesos naman ang kada kilo ang karneng Manok.

Naglalaro naman sa 30 hanggang 60 pesos ang kada kilo ng gulay Baguio katulad repolyo at patatas.

Mananatili umano ang ganitong pesyo ng mga pangunahing bilihin sa buong panahon ng bakasyon.

Comments