Nananatili
parin ang presyo ng ga produktong petroyo sa mga istasyon ng gasolinahan sa
Aurora matapos magpatupad naman ng dagdag presyo ng mga produktong petrolyo sa
ikatlong pagkakataon mula pagpasok ng buwan ng Mayo sa ilang pambansang
mamilihan kahapon ng umaga.
Naglalaro parinsa
P48.00 hanggang P48.40 kada litro ang presyo ng Diesel.
Naglalaro
naman sa P52.77 hanggang 54.13 kada litro ang presyo ng Unleaded gasoline.
Habang nananatili
naman sa P53.23 kada litro ang presyo ng Regular gasoline.
Ang
Premium gasoline ay naglalaro parin sa P54.53 hanggang P55.50 sa kada litro.
At
sa Kerosene pumapalo sa P49.63 hanggang P50.63 ang kada litro. (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment