PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO WALA PARING PAGGALAW - Baler, Aurora

Nananatili parin sa 47.55 pesos kada litro ang presyo ng Diesel sa mga pangunahing istayon/pamilihan ng produktong petrolyo sa Central Aurora.

Naglalaro naman ang presyo ng Regular gasoline sa 50.38 pesos kada litro sa Caltex, 53.22 pesos sa Eco-Petrol, at 53.23 pesos naman sa Sea Oil at Norfil gasoline station.

Ang presyo naman ng Unleaded gasoline, 52.33 pesos kada litro sa Sea Oil, 53.33 pesos sa Shell at Caltex, 53.68 pesos sa Eco-Petrol, at 54.20 pesos naman sa Petron.

Habang ang Premium gasoline ay 54.98 pesos kada litro sa Eco-Petrol, 54.05 pesos sa Sea Oil, at 55.05 pesos naman sa Shell, Caltex at Petron.

Sa Kerosene naman, 49.12 pesos kada litro sa Eco-Petrol, 49.13 pesos sa Sea Oil, at 50.13 pesos naman sa Shell.

Wala pang anunsiyo ang mga kompanya kung kailan sila magbabago ng presyo sa kanilang produktong petrolyo.

Comments