RESULTA NG FTS SA PCOS DARATING NA NGAYONG ARAW - San Luis, Aurora
Inaasahan
ngayong araw (May 9) darating na sa Panlalawigang tanggapan ng
Commission on Election ang resulta ng isinagawang Final Testing and
Sealing nitong Lunes sa tatlong Costal Barangay ng San Luis, Aurora.
Ayon kay Lamberto Bautista opisyal ng COMELEC San Luis, ang
pagkaantala umano ng mga resulta ng Final Testing and Sealing sa limang
Precinct Count Optical Scan o PCOS machine na gagamitin sa tatlong
coastal Barangay sa midterm election sa Lunes ay bunsod ng walang
available na tao na sasakay sa bangka na maghahatid ng resulta.
Dagdag pa ni Bautista, halos aabutin ng mahigit na 5 oras ang biyahe
sa bangka mula sa pinakamalayong Barangay na kinabibilangan ng mga
Barangay ng Dibayabay kung saan 2 ang nakalaang PCOS dito, 2 din sa
Dicapinisan at 1 sa Barangay Dimanayat.
Ang gagamitin sa 16 na
polling centers na binubuo ng 27 clastered precinct ay may kabuuan na
bilang ng botante ay humigit kumulang 16,004 kung saan ang ikatlong
bahagi ng mga botante ay mula umano sa mga nasabing coastal Barangay.
Sa kabila nito matagumpay naman ang isinagawang Final Testing and Sealing sa nasabing Bayan.
Comments
Post a Comment