UMABOT SA 7 PCOS MACHINE ANG NAGKAABERYA SA AURORA
Umabot sa 7 PCOS machine ang nagkaaberya nitong midterm election noong Lunes sa buong Lalawigan ng Aurora.
Sa mga bayan ng Diagyan, Dilasag, Central Dipaculao, San Ildefonso,
Casiguran, Brgy. 4, Maria Aurora, Brgy. Lobbot, Dipaculao at dalawang
PCOS sa Brgy. Reserva, Baler, Aurora na kung saan agad niresolba ng
COMELEC ang gusot bagamat nabalam ang pagboto ng mga botante sa mga
nabanggit na lugar.
Kabilang na
rito ang muling pag-configure ng mga compact flash cards ng PCOS,
pagsalang ng mga balota sa ibang makina at ang pagbilang ng mano-mano.
Bagamat tiniyak ng poll body na may mga backup PCOS sila na ginamit sa
mga kahalintulad na aberya nagkaroon parin ng delay sa pagboto.
Comments
Post a Comment