10 TAONG GULANG NA BATA BABAE, NATAGPUANG PATAY - Baler, Aurora

Natagpuan patay ang isang 10 taong gulang na bata  sa Sitio Libis, Barangay Calabuanan, sa Bayan ng Baler, Aurora.

Ayon sa Baler PNP, dakong alas-7:00 ng umaga nitong Sabado, Hunyo 15, 2013, natagpuang nakahandusay  ang bangkay ng isang grade 3,magaaral, ng Calabuanan Elementary School, 60 metro mula sa kanilang bahay ang kinaroroonan nito.

Ayon sa ate ng biktima, Hunyo 13, 2013 pa umano nawawala ang kanilang kapatid. Hindi na umano nakauwi ang biktima mula ng ito ay pumasok sa paaralan noong Huwebes.

Ayon sa pagsusuri ng SOCO Aurora Provincial Crime Laboratory, nakitaan umano ng tama ng isang matigas na bagay sa ulo ang bata, at maaring ito umano ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Ang kaso ay patuloy pang iniibestigahan ng mga otoridad  sa pangunguna ni PO2 Regan D. Lopez para malaman kung sino ang maykagagawan at kung ano ang motibo nito sa pagpatay. (Arnel M. Turzar)

Comments