139 bd.ft NA KAHOY NAAGAW SA MGA ILEGALISTA - Baler, Aurora

Naagaw sa mga ilegalista ang mahigit 139 board feet na kahoy sa Sitio Dikaloyungan, Baranga Zabali, Baler, Aurora.

Sa report ng PNP Baler, dakong ala-una ng umaga nitong nakaraang Sabado Hunyo 8, 2013 nakatanggap sila ng report mula sa kanilang intelligence personnel na may natagpuan itong iniwang mga tabla sa naturang lugar. Agad g nagsagawa ng operasyon ang Kapulisan at nagtungo sa lugar, doon nakita ang mahigit 139 board feet na ang halaga ay tinatayang nasa mahigit Php. 3,075.00.

Ang mga kahoy na hinihilang illegal mula sa hindi pa nakilalang suspek ay agad namang inireport sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources para sa agarang imbestigasyon. (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments