14 TAONG GULANG GINAHASA, NANGHALAY BAGSAK SA KULUNGAN - Maria Aurora, Aurora

Arestado ang isang lalaki sa kaso nitong pang-gagahasa sa 14 na taong gulang na babae, nitong Lunes sa Sitio Dimotol, Barangay Dianawan, Maria Aurora, Aurora.

Ayon sa Maria Aurora PNP nakatanggap sila ng impormasyon mula kay Barangay Chairman Edgardo Geneta ng nabanggit na lugar, mayroon umanong insidenteng pang-gagahasa. Agad namang pinuntahan at nagsagawa ng imbestigasyon ang kapulisan kasama ang Philippine Army na nakabase sa lugar at mga Barangay Opisyal.

Dakong ika-10:00 ng gabi naaresto ang suspek na kinilalang si Mico F. Dela Torre, 30 taong gulang, binata, at resident sa Barangay Quirino, Maria Aurora, Aurora.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong Rape in Relation to RA 7610.

Si Dela Torre ay nakakulong na ngayon sa Panlalawigang Piitan ng Aurora sa Barangay Suklayin, Baler, Aurora. (Arnel M. Turzar)

Comments