19 BATA, PINAGHIHINALAANG BIKTIMA NG DENGUE - Dinalungan, Aurora

Hinihinala na Dengue umano ang ikinamatay ng isang siyam na taong bata kamakailan.
Ang biktima ay kinilalang si Andy Cosnoy Jr., 9 na taong gulang, residente ng Barangay Simbahan, Dinalungan, Aurora.

Nakitaan umano ang pasyente ng mga palatandaan ng sakit na Dengue kaya dinala ito sa Aurora Memorial Hospital sa Barangay Reserva, Baler, Aurora  noong ika-7 ng Hunyo subalit  malala na umano ang kalagayan ng pasyente nang dalhin ito sa naturang pagamutan, hindi rin nagtagal binawian na ito ng buhay.

Ayon sa ama nitong si Andy Cosnoy Sr. marami umanong palatandaan ng sakit na Dengue ang nakita sa biktima. (Arnel M. Turzar/Raul Mendoza)

Comments