197,000.00 PISO NAKATANGAY NG MAGNANAKAW - Maria Aurora, Aurora

Natangayan ng mahigit 197,000.00 piso ang isang negosyante ng hindi nakilalang suspek sa Barangay Cabituculan East, Maria Aurora, Aurora.

Ang biktimang negosyante ng palay ay nakilalang si Gleen M. Valdez, 25 taong gulang, at residente ng Talavera, Nueva Ecija.

Ayon kay Valdez, dakong alas-sais ng umaga kahapon, June 13, 2013, ng matuklasan umano niya na nawawala na ang kanyang pera na nakalagay sa kanyang kulay berdeng Bag sa bahay na kanilang tinuluyan.

Agad naman itong inireport sa mga otoridad, at sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang sinasagawang pagsisiyasat ng Maria Aurora PNP upang matukoy kung sino-sino ang suspek na tumangay sa pera ni Valdez. (Arnel M. Turzar)

Comments