2 LALAKI ARESTADO SA BAYAN NG MARIA AURIRA, AURORA

Inaresto ang dalawang kalalakihan dahil sa umanoy sangkot ang mga ito sa kasong Prostrated Murder sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora.

Dakong alas-11:00 ng umago noong Hunyo 23, 2013, sa bisa ng Warrant of Arrest may Criminal Case No. 4537, na inilabas Honorable Judge Corazon D. Soluren ng Regional Trial Court, Branch 96, nadakip ng Maria Aurora PNP ang suspek na kinilalang sina Marvin A. Bayudan, 23 taong gulang, at Denry S. Maines, kapwa residente ng Barangay 04, Maria Aurora, Aurora.

Sila umano ang suspek sa Bigong Pagpatay noong taong 2009 sa biktima na kinilalang si Aaron Pineda, 28 taong gulang nasa wastong taong gulang, residente ng Barangay 04, Maria Aurora.

Nakakulong na sa Panlalawigang Piitan ng Aurora sa Barangay Suklayin, Baler ang dalawa, at ito ay may Piyansa na 200 libong piso. (Arnel M, Turzar)

Comments