307 CDC-ARESCOM AURORA MAGSASAGAWA NG TREE PLANTING NGAYONG ARAW

Magsagawa ngayong araw ng Tree Planting  ang mga laang kawal ng 307 CDC-ARESCOM Aurora.

Ang aktibidad ay may kaugnayan sa programa ng AFP na Philippine ARBOR Day kung saan ang June 25 ay itinakda para sa naturang aktibidad.

Tinatayang aabot sa humigit kumulang na dalawang libong puno ng Bakawan ang maitatanim, sa Sitio Cemento , Barangay Zabali, Baler.

Kasama rin sa tree planting ang LGU Baler sa pangunguna naman ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO. (Rey S. Fernando)

Comments