4 NA BAYAN SA AURORA MAKAKARANAS NG 9 NA ORAS NA BROWNOUT

Muli nanamang makakaranas ng hanggang 9-oras na brownout ang limang Bayan sa Aurora ngayon araw ng Huwebes mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Ito ang abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaugnay ng mararanasang brownout ngayong Hunyo 27, 2013. 

Maaapektohan ng powerinterruption ang mga Bayan ng San Luis, Maria Aurora, Baler ta Dipaculao.

Ayon sa NGCP, kukumpunihin ang piling line structure hardware sa Cabanatuan-Talabera 2 – Baler 69 KV line.

Pinapayuhan ng NGCP ang publiko na maghanda sa nakatakdang brownout upang maiwasan ang anomang pinsala sa pagbalik ng kuryente anomang oras matapos ang pagkukumpuni ngayong araw. (Arnel M. Turzar)

Comments