5 ANYOS, NASAGASAAN NG MOTORSIKLO SA BAYAN NA MARIA AURORA, AURORA

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang isang lalaking limang (5) taong gulang, matapos itong matagis ng motorsiklo noong Lunes sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora.

Ayon sa Maria Aurora PNP, dakong alas 4:00 ng hapon noong ika-24 ng Hunyo, 2013, nanyari ang insidente habang naglalakad umano ang bata sa Barangay 02, ng nasabing Bayan, nang aksidente umano itong masagasaan ng motorsiklo Rusi 125 na minamaneho ni Wilfredo Francisco, residente sa nabanggit na Barangay.

Nagtamo ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima, agad namang naidala sa Maria Aurora Community Hospital at nilapatan ng paunang lunas, ilang sandal lang nilipat ang biktima sa Aurora Memorial Hopital sa Barangay Reserva, Baler para dito ipagpatuloy ang karampatang lunas. 

Samanta ang responsableng driver ay nakipagtulungan sa magulang ng biktima, nagkasundo sila na sasagutin nito ang pagpapagamot sa bata. (Arnel M. Turzar)

Comments