ARESTADO ANG 3 TULAK NG SHABU - Baler, Aurora

Aresdado ang 3 tulak  ng shabu sa isinagawang buy bust operation nitong Lunes sa Sitio Kinalapan, Barangay Pingit, Baler, Aurora.

Kinilala ang tatlong suspek na sina Cory G. Guimba, 35 taong gulang, Omera G. Guimba, 29 na taong gulang, at ang isang 16 na taong gulan, kapwa mga residente ng Barangay Pingit, Baler, Aurora.

Dakong alas-singko ng hapon nagsagawa ng joint Buy Bust Operation ang Baler PNP sa ni PI Maynard D. Pascual at Aurora PPO sa pangunguna ni PO3 Harold Donato at sa pakikipag-unayan sa PDEA RO3 para tugisin ang mga suspek.

Agad namang nadakip ang mga suspek at narekober sa mga ito ang isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na timitimbang ng hugit kumulang .03 gramo, anim na pirasong open plastic transparent sachets, at bill marked money na gamit sa buy bust operation.

Narekober din sa mga ito ang perang nagkakahalaga ng mahigit Php26,000.00 at isang kulay pulang tricycle Motorstar na may plakang 6506 IV na hindi pa matukoy kung sino ang nagmamay-ari nito, ito umano ang ginagamit sa ilegal na transaksyon sa kanilang mga kleyente.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drug o Violation to RA 9165. (George Balbero/Arnel M. Turzar)

Comments