BAG-APAW NG TUBIG SA ILOG PINANGANGAMBAHAN - Casiguran, Aurora

Nangangamba ang ilang residente sa Bayan ng Casiguran na maaaring masira nanaman ang lansangang nag-uunay sa Barangay Calangcuasan at Marikit.

Sakaling magtutuloy tuloy ang pagbuhos ng ulan at sama ng panahon, may posibli umanong masira nanaman ang naturang lansangan dahil sa pag-apaw ng tubig.

Pansamantalang tulay na kahoy lamang umano ang kasalukuyang dinaanan ng mga manglalakbay tuwing lumalakas ang tubig sa ilog.

Kaya panawagan ng mga residente sa lugar na pag-ibayuhin pa ang bilis ng pagsasagawa ng tulay para maayos na ang daanan patungo at palabas sa Bayan ng Casiguran, nang hindi na umano maulit pang muli ang mga insidente dulot ng masamang lansangan na ikinasawi ng ilang motorista. (George Balbero)

Comments