BATANG NATAGPUANG PATAY, NILIBING - Baler, Aurora

Hinatid sa huling hantungan kanina ang batang mag-aaral ng Calabuanan Elementary School na natagpuanag patay di kalayuan sa kanilang tahanan sa Sitio Libis, Barangay Calabuanan, Baler, Aurora noong Sabado, Hunyo 15, 2013.

Ang biktima na grade 3 pupil ng nabanggit na paaralan ay si Mega Abalos, 10 taong gulang, residente sa nabanggit na lugar.

Ayon kay madam Lea Pador, guro ng biktima, huling pumasok sa kanyang klase ang bata noong Huwebes ng umaga (June 13, 2013) ngunit ng dakong hapon ng araw na iyon ay hindi na ito pumasok ng paaralan.

Nagulat na lamang umano ito ng mabalitaan niyang natagpuan ang bata na patay na.

Nagsadya rin umano ito sa lugar ng kinatagpuan sa bangkay ng biktima at nakita nito na suot pa ang unipormi, gayundin suot pa ng bata ang kabiyak ng tsenelas nito, samantalang nasa di kalayuan naman umano kanyang bag.

Ayon pa kay Pador, natagpuan ang bata na nakabaon ng mababaw sa isang hukay at pagkatapos ay tinabunan ng mga dahon.

Base naman sa inisyal na pagsusuri ng SOCO nakitaan umano ng tama ng isang matigas na bagay ang ulo ng bata na maaaring ito umano ang dahilan ng kamatayan nito.

Hinihinala naman na ang sariling Ama ng biktima ang suspek sa naganap na krimen. (Rey S. Fernando)

Comments