DAGDAG PRESYO SA PRODUKTONG PETROLYO - Baler, Aurora

Sumunod naring nagpatupad ng dagdag presyo sa kanilang produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng gasoline sa lalawigan ng Aurora partikular sa bayan ng Baler. Bunsod umano ito ng ikapitang pagtaas ng presyo sa pambansang pamilihan noong Martes.

Nagtaas ng 90 sentimos sa presyo ng kada litro ng Diesel at Kerosene habang 45 sentimos naman sa kanilang ibinibentang Premium gasoline at 60 sentimos sa Unleaded gasoline.

Ito ang ikaanim na pagtaas  ng oil hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng lagis sa Aurora sa buwan ng Hunyo.

Asahan ng mga consumer ang pagsunod ng iba pang kumpanya sa pagtaas ng presyo ng petrolyo sa kabila nang wala pang inilalabas na anunsyo ang mga ito. (Arnel M. Turzar)

Comments