FORWARD TRUCK PINAGTANGKAANG NAKAWAN -Maria Aurora, Aurora

Tinangkaang pagnakawan ang isang Forward Truck nitong Lunes ng gabi sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora.

Ayon sa may-ari nitong si Vergilio Briones ng Barangay 03, Maria Aurora, tinangka umanong baklasin ang salamin sa gawing kaliwang pintuan ng nasabing forward truck na may plakang CHZ 434 na nakaparada sa gilid ng kalsada ngunit hindi nagtagumpay ang hindi pa nakilalang  kawatan. Car stereo at mga tools umano ang balak kuning ng mga kawatan.

Kaugnay nito, nagbabala si Briones na mag-ingat ang lahat ng may Truck na iniiwan sa labas o sa gilid ng kalsada ang kanilang mga sasakyan upang hindi magtagumpay ang mga kawatang wala nang maisip gawin kundi magnakaw. (Remidio Bitong

Comments