HINDI DUMALO SA MGA PAGDINIG INARESTO - Casiguran, Aurora

Arestado ang isang lalaki matapos nitong masagasaan ang 4 na menor de edad sa Barangay Marikit, Casiguran, Aurora.

Ang suspek ay kinilalang si Bernardo Aragon, nasa hustong gulang, residente ng Barangay Tabas ng nasabing Bayan.

Ayon sa Casiguran PNP, mabilis umano ang takbo ng minamaneho nitong motorsiklo habang binabagtas ang Provincial Road sa nasabing bayan, hindi umano napansin ng suspek ang mga kabataan at nasagasaan nya ang mga ito.

Nagtamo ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.

Agad namang  naidala ang mgs ito sa Casiguran District Hospital para malapatan ng lunas.
Nasa ilalim umano ng impluwensiya ng alak si Aragon ng mangyari ng insidente.

Dahil sa hindi nito pagdalo sa isinagawang mga pagdinig naglabas na lamang ng Warrant of Arrest si Honorable Judge Maximo Ancheta Jr. ng Regional Trial Court Branch 90, Baler, Aurora. Sa bisa nito naaresto ang suspek.

Si Aragon ay nakakulong na sa Panlalawigang Piitan ng Aurora, sa kasong Reckless imprudence resulting in multiple physical Injury. (George Balbero)

Comments