ILLEGAL MINING NATUKLASAN SA BAYAN NG DINALUNGAN, AURORA

Tinututukan ng Municipal Environment  and Natural Resources Office at ng Philippine National Police ang Illegal na pagmimina sa Bayan ng Dinalungan, Aurora. 

Kamakailang lamang nagsagawa ng ocular investigation ang MENRO-Dinalungan sa Pangunguna ni Mrs. Rachelle M. Robert kasama ang Dinalungan PNP sa pangunguna naman ni PSI. Rex R. Perocho para alamin ang natanggap nilang report na mayroong nagsasagawa ng illegal na pagmimina sa Sitio Salisay, Barangay Abuleg, ng nasabing Bayan.

Nakita sa lugar ang dalawang butashukay at 150 sako ng hindi pa malamang uri ng Miniral at mga gamit sa pagmimina.

Patuloy pang iniimbistigahan ng mga otoridad ang nakuhang ebidensya para malaman kung sino ang gumagawa ng ganitong gawain at masapahan ng kaukulang kaso. (Arnel Turzar/George Balbero)

Comments