ILLEGAL NA GAWAIN HINDI MAKAKALUSOT - Maria Aurora, Aurora

Tiniyak  ni incoming Mayor Amado Gineta na tutukan ng bagong administrasyon ng Bayan ng Maria Aurora, Aurora ang mga illegal na gawain sa nasasakupan nito.

Ayon kay Gineta patitigilin ng kanyang administrasyon ang mga illegal logging na ngayon ay namamayagpag sa Bayan ng Maria Aurora.

Maging ang mga illegal na sugal ay kanya rng ipapatigil katulad ng loteng na wala umanong naidudulot na maganda sa mamamayan ng naturang bayan, sahalip na ang pera ay dapat ibili ng mga pangunahing pangangailangan ng pamilya ay napupunta pa ito sa ilegal na sugal. (Arnel M. Turzar)

Comments