ISANG PATING ANG NATAGPUAN SA DALAMPASIGAN NG BARANGAY LIPIT - Dipaculao, Aurora

Natagpuan ang isang Pating nakasadsad sa dalampasiga ng Barangay Lipit, sa Bayan ng Dipaculao, Aurora.

Natatagpuan ito dakong alas-diyes ng umaga noong nakaraang araw ng Linggo Hunyo 9, 2013, ang naturang Pating ay may habang walo at kalahating talampakan, at tinatayang may bigat na higit sa 70 kilo, napag-alaman na ito ay babae, hindi pa matukoy kung anong uri ito ng Pating.

Ayon sa Provincial Agriculture ng Aurora ang Pating ay nagtamo ng isang malalim na sugat sa gawing kaliwng tagiliran at sa iba pang bahagi ng katawan nito. Kinagat umano ito ng  Kapwa Pating na siyang sanhi ng pagkamatay.

Matapos suriin ang naturang Pating ay agad narin itong inilibing sa tulong ng mga Barangay Officials at Barangay Tanonod sa lugar. (Eddie Rebueno/Arnel M. Turzar)

Comments