ISTUDIYANTE BINUNDOL, BUMUNDOL NAGTAMO NG GASGAS - Baler, Aurora

Nagtamo ng gasgas sa kaliwang paa at pagkapilay ng daliri nito ang isang lalaki matapos ito bumagsak nang aksidenteng mabundol ang isang motorsiklo sa Barangay Pingit, Baler, Aurora kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Edelmark P. Dela Torre, 20 taong gulang, at residente ng Barangay, Suklayin ng nasabing Bayan.

Ayon sa Police report, dakong ika-sampo ng umaga habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng lansangan sa Sitio Kinalapan, Pingit, bigla umanong huminto ang sinusundan nitong motorsiklo na minamaneho ni Gerry P. Agunat, 20 taong gulang, residente ng Barangay Ditailen, Maria Aurora, Aurora, istudiyante ng ASCOT Baler.

 Dahil sa insedente nagtamo si Dela Torre ng injury sa kamay at kaliwang paa. Agad namang dinala sa Premiere General Hospital sa Barangay Suklayin para lapatan ng kaukulang lunas. (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments