KASO NG DENGUE SA AURORA DUMARAMI --- PHO

Nagbabala ang Kagawaran ng Kalusugan sa patuloy na pagtaas sa bilang ng kaso ng Dengue sa lalawigan ng Aurora kung hindi ito mapupuksa sa pamamagitan ng sama samang paglilinis ng kapaligiran lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Sa datos ng Provincial Health Office umabot na sa 90 ang bilang sa kaso ng Dengue mula noong buwan ng Enero hanggan ngayong kasalukuyang Buwan ng Hunyo (Hunyo 10).

Anim ang naitala noong Enero, 3 noong Pebrero, 12 noong Marso, 11 noong Abril, 39 nitong Mayo at 19 ngayon buwan ng Hunyo hanggang kahapon.

Sa Press Con. kahapon, sinabi ni Dr. Luistro G. Teh ng PHO, panatilihing malinis ang kapaligiran para mapigilan ang pagami ng lamok na pinagmumulan ng sakit na Dengue, wag nang hintayin pa na dumami ang ganitong kaso, mas maganda aniyang ngayon palang kumilos na.

Dagdag pa ni Teh, araw-araw palitan ng tubig ang mga flower base, itaub ang mga bote at pinakainan ng buko at bao ng niyog, ganoon din ang lahat ng naiimbakan ng tubig na siyang pinamamahayan at pinangingitlugan ng lamok, at iwasang magpakagat salamok. 

Ang sakit na Dengue ay wala pa umanong derektang gamot dito, tagging ang kalusugan ng katawan ang maaring magpagaling sa ganitong sakit. (Arnel M. Turzar)

Comments