KAWANI NG PAMAHALAAN SAMA-SAMANG NAGLINIS SA BAYAN NG MARIA AURORA, AURORA

Matagumpay ang isinagawang sama-samang paglilinis ng mga kawani ng Lokal Government Unit (LGU) ng Bayan ng Maria Aurora, Aurora sa pangunguna ni Mayor Ariel Bitong nitong araw ng Biyernes Mayo 31.

Unang tinungo at nilinis ng mga kawani ang palibot ng Municipal Hall, sumunod na nilinis ang Public Market ng naturang Bayan, at ang Barangay Uno.

Ang ganitong gawain ay ayon narin sa itinakda ng Municipal Ordinance na kung saan ang huling Biyernes ng Buwan ay iuukol nila sa maghapong o isang araw na paglilinis.(Guiller Necesito)

Comments