KOLORUM NA TRICYCLE HINDI NA PWEDE MAMASADA - Maria Aurora, Aurora

Pinababantayan sa PNP Maria Aurora, Aurora ang mga namamasadang tricycle na kolorum ganoon din ang mga paso ang rehistro at lisensya ng driver.

Ito umano ay suliranin sa kaligtasan ng mga pasahero lalo na ang mga batang mag-aaral. Ito rin umano ay mahilig sumingit sa pila ng mga nakalinya.

Kasabay nito muling ipinabubuhay ang Batas na nag-uutos ng tamang pagsusuot ng kasuotan ang mga tricycle driver para maiwasan ang pag-aagam agam at pag-aalinlangan ng mga pasahero. Dahil ang iban tricycle driver umano ay naka short lamang at hindi nakasapatos.

Matagal na umanong inaprobahan ang batas na naglalayong maging good rooming ang mga driver para maging maayos ang kanilang paglilingkod at serbisyo publiko, subalit hindi lang ito umano naiimplementa ng maayos. (Arnel M. Turzar/Remy Bitong)

Comments